Checkup ng Sanggol na Walang Sakit: Bagong Silang na Sanggol
Malamang na mangyayari ang unang checkup ng iyong sanggol sa loob ng 1 linggo matapos isilang. Sa pagbisitang ito ng bagong silang na sanggol, susuriin ng tagapangalaga ng kalusugan ang iyong sanggol. Magtatanong siya tungkol sa unang ilang araw sa bahay. Inilalarawan ng pahinang ito ang ilang maaari mong asahan.
Paninilaw ng balat at mata
Karamihang sanggol ang may kaunting paninilaw ng balat at sa puting bahagi ng mga mata (jaundice) sa unang linggo ng buhay. Papayuhan ka ng tagapangalaga ng iyong sanggol kung kailangang ipasuri ang antas ng bilirubin ng iyong sanggol. Papayuhan ka rin niya kung kailangan ng iyong sanggol ng follow-up na pagsusuri. O kung kailangan niya ng paggamot gamit ang phototherapy..
Pag-unlad at mga tagumpay
Magtatanong ang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iyong bagong silang na sanggol. Babantayan niya ang iyong sanggol para magkaroon ng ideya tungkol sa kanyang pag-unlad. Sa pagbisitang ito, malamang na ginagawa ng iyong bagong silang na sanggol ang ilan sa mga sumusunod:
-
Pagkurap sa maliwanag na ilaw
-
Pagsubok na iangat ang kanyang ulo
-
Pagkawag at pagpilipit (dapat gumalaw ang bawat braso at binti nang halos magkapareho, pero kung mas gustong gumalaw ng sanggol sa isang gilid, sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan)
-
Pagkagulat kapag nakakarinig ng malakas na ingay
Mga payo sa pagpapakain

Normal sa bagong silang na sanggol na bumaba ang timbang nang 10% ng kanyang timbang pagkasilang sa unang linggo. Madalas itong nababawi sa halos edad na 2 linggo. Kung nag-aalala ka tungkol sa timbang ng iyong bagong silang na sanggol, sabihin sa tagapangalaga. Upang matulungan ang iyong sanggol na kumain nang mabuti, sundin ang mga payong ito:
-
Pagpapasuso sa loob ng hindi bababa sa unang 6 na buwan.
-
Huwag bigyan ng tubig ang sanggol maliban kung irerekomenda ito ng kanyang tagapangalaga.
-
Pasusuhin nang hindi bababa sa bawat 2 hanggang 3 oras sa loob ng isang araw. Maaaring kailanganin mong gisingin ang iyong sanggol para sa mga pagpapasuso na ito.
-
Pasusuhin tuwing 3 hanggang 4 na oras sa gabi. Sa una, gisingin ang iyong sanggol para pasusuhin kung kinakailangan. Kapag bumalik na ang timbang ng iyong bagong silang na sanggol gaya ng sa pagsilang, maaari mong hayaan siyang matulog hanggang sa magutom siya. Talakayin ito sa tagapangalaga ng iyong sanggol.
-
Itanong sa tagapangalaga kung dapat uminom ang iyong sanggol ng bitamina D.
Kung nagpapasuso ka
-
Kapag lumabas na ang iyong gatas, dapat pakiramdam mo ay puno ang iyong mga suso bago magpasuso at malambot at umimpis pagkatapos. Malamang na mangahulugan ito na nakakasuso nang sapat ang iyong sanggol.
-
Madalas na tumatagal ang pagpapasuso sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Kung paiinumin ang sanggol ng iyong gatas gamit ang bote, bigyan ng 1 hanggang 3 onsa sa bawat pagpapainom.
-
Maaaring gusto ng mga pinasususong sanggol na kumain nang mas madalas kaysa bawat 2 hanggang 3 oras. AYOS lang na pasusuhin ang iyong sanggol nang mas madalas kung mukhang nagugutom siya. Kausapin ang tagapangalaga ng kalusugan kung nag-aalala ka tungkol sa mga gawi ng iyong sanggol sa pagsuso o pagtaas ng kanyang timbang.
-
Maaaring magtagal ng ilang panahon upang masanay sa pagsuso ng gatas ng ina. Maaaring hindi ito komportable sa una. Kung may mga tanong ka o kailangan ng tulong, mabibigyan ka ng mga payo ng isang consultant sa pagpapasuso.
Kung gumagamit ka ng formula
-
Gumamit ng formula na ginawa lamang para sa mga sanggol. Kung kailangan mo ng tulong sa pagpili, humingi ng rekomendasyon sa tagapangalaga ng kalusugan. Hindi angkop na pagkain ang regular na gatas ng baka para sa bagong silang na sanggol.
-
Painumin nang humigit-kumulang sa 1 hanggang 3 onsa ng formula sa bawat pagpapainom.
Mga payo sa kalinisan ng katawan
-
Dumudumi ang ilan sa mga bagong silang na sanggol pagkatapos ng bawat pagpapakain. Hindi madalas na dumudumi ang iba. Parehong normal ang mga ito. Palitan ang diaper kapag basa o madumi ito.
-
Karaniwang maging dilaw, matubig, at mukhang naglalaman ng maliliit na buto ang dumi ng isang bagong silang na sanggol. Maaaring mag-iba ang kulay mula sa kulay dilaw na mustasa hanggang maputlang dilaw hanggang berde. Kung iba ang kulay nito, sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan.
-
Dapat may malakas na pagdaloy ng ihi ang batang lalaki kapag umiihi siya. Kung hindi ganoon ang pag-ihi ng inyong anak na lalaki, sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan.
-
Punasan lamang ang iyong sanggol hanggang kusang matanggal ang pusod. Kung may mga tanong ka tungkol sa pangangalaga sa pusod, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol.
-
Sundin ang mga payo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan sa kung paano pangangalagaan ang pusod. Maaaring kabilang dito ang:
-
Pagpapanatiling malinis at tuyo ang lugar ng pusod
-
Pagtupi pababa ng ibabaw ng diaper upang mahanginan ang pusod
-
Banayad na paglilinis ng pusod gamit ang baby wipe o pamunas na bulak na inilubog sa alkohol
-
Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung may nana o pamumula ang lugar ng pusod.
-
Matapos matanggal ang pusod, paliguan ang iyong bagong silang na sanggol ng ilang beses kada linggo. Maaari mong paliguan nang mas madalas kung mukhang nagugustuhan ito ng sanggol. Ngunit dahil nililinis mo ang sanggol habang pinapalitan ng diaper, madalas na hindi kailangan ng pang-araw-araw na paliligo.
-
OK na gumamit ng banayad (hypoallergenic) na mga krema o lotion sa balat ng sanggol. Huwag pahiran ng lotion ang mga kamay ng sanggol.
Mga payo sa pagtulog
Karaniwang natutulog ang mga bagong silang na sanggol nang humigit-kumulang sa 18 hanggang 20 oras araw-araw. Upang matulungan ang iyong bagong silang na sanggol na makatulog nang ligtas at mahimbing at maiwasan ang SIDS (syndrome na biglaang pagkamatay ng sanggol):
-
Ihiga ang sanggol sa lahat ng pagtulog hanggang siya ay 1 taong gulang. Maaari nitong mapababa ang panganib ng SIDS, paglanghap ng isang bagay patungo sa baga, at mabulunan. Huwag kailanman ihiga ang sanggol nang patagilid o pataob para matulog o umidlip. Kung gising ang sanggol, bigyan siya ng oras na dumapa basta't may nagbabantay. Makatutulong ito sa bata na magkaroon ng malalakas na mga kalamnan sa tiyan at leeg. Makatutulong din ito na mabawasan ang pagkadapa ng ulo. Maaaring mangyari iyon kapag gumugugol ng maraming oras ang mga sanggol sa paghiga nang nakalapat ang kanilang likod.
-
Alukin ang sanggol ng pacifier sa pagtulog o pag-idlip. Kung pinasususo ang sanggol, huwag bigyan ng paciifer ang sanggol hangga't hindi pa maayos na naitatag ang pagpapasuso. Inuugnay ang pagpapasuso sa pinababang panganib ng SIDS.
-
Gumamit ng matatag na kutson (balot ng mahigpit na nakalapat na kumot) upang maiwasan ang mga puwang sa pagitan ng kutson at sa mga gilid ng kuna, laruan, o bassinet. Maaari nitong mapababa ang panganib ng pagkakulong, kahirapang huminga, at SIDS.
-
Huwag maglagay ng unan, mabibigat na kumot, o stuffed toy sa kuna. Maaari itong maging dahilan upang hindi makahinga ang sanggol.
-
Maaaring magdulot ang swaddling (pagbabalot sa sanggol gamit ang masikip na kumot) upang mainitan ang sanggol. Huwag hayaang labis na mainitan ang iyong anak.
-
Huwag ihiga ang mga sanggol sa isang sopa o armchair para matulog. Inilalagay sa mas mataas na panganib ng pagkamatay, kabilang ang SIDS, ng pagtulog sa sopa o armchair.
-
Huwag gumamit ng mga upuan ng sanggol, upuan sa kotse, at duyan ng sanggol para sa rutinang pagtulog at araw-araw na mga pag-idlip. Maaari itong humantong sa pagkabara ng daluyan ng hangin ng sanggol o hindi makahinga.
-
Huwag itabi ang iyong sanggol sa kama (makitulog). Hindi ito ligtas.
-
Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) na matulog ang mga sanggol sa parehong kuwarto ng kanilang mga magulang, malapit sa kama ng kanilang magulang, ngunit sa isang hiwalay na kama o kuna na angkop para sa mga sanggol. Inirerekomenda itong kaayusan sa pagtulog para sa unang taon ng sanggol, ngunit dapat na panatilihin nang hindi bababa sa unang 6 na buwan.
-
Laging ilagay sa lugar na walang panganib ang mga kuna, bassinet, at palaruan—yaong walang mga nakabiting lubid, kawad, o mga takip sa bintana—upang makatulong na mabawasan ang pagkasakal.
-
Huwag gumamit ng mga cardiorespiratory monitor at commercial device—mga pangkalang, positioner, at espesyal na kutson—para matulungang mabawasan ang panganib ng SIDS at mga pagkamatay ng sanggol na may kaugnayan sa pagtulog. Hindi pa napatunayang makakapigil sa SIDS ang mga kagamitang ito. Sa mga bihirang kaso, nagresulta ang mga ito sa pagkamatay ng isang sanggol.
-
Talakayin ang mga ito at ang iba pang mga problema sa kalusugan at kaligtasan sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol.
Mga payong pangkaligtasan
-
Upang maiwasan ang pagkapaso, huwag magdala o uminom ng maiinit na inumin, gaya ng kape, malapit sa sanggol. Pababain ang temperatura ng water heater sa 120°F (49°C) o mas mababa.
-
Huwag manigarilyo o hayaan ang iba na manigarilyo malapit sa sanggol. Kung naninigarilyo ka o ang iba pang mga miyembro ng pamilya, gawin ito sa labas at hindi sa paligid ng sanggol.
-
Karaniwang mainam na ilabas sa bahay ang bagong silang na sanggol. Ngunit lumayo mula sa mga nakakulong at matataong lugar kung saan maaaring kumakalat ang mga mikrobyo. Maaari kang mag-anyaya ng mga bisita sa inyong tahanan upang makita ang iyong sanggol, sa kondisyong wala silang sakit.
-
Kapag ginawa mong dalhin sa labas ang iyong sanggol, huwag masyadong magtagal nang direkta sa sikat ng araw. Panatilihing may takip ang sanggol o pumunta sa lilim.
-
Sa kotse, laging ilagay ang sanggol sa upuang nakaharap sa likod. Dapat itong matibay sa upuan sa likod, ayon sa mga nakatagubilin sa upuan ng kotse. Huwag iwananang nag-iisa ang iyong sanggol sa kotse.
-
Huwag iwanan ang iyong sanggol sa mataas na ibabaw, tulad ng mesa, kama, o sopa. Maaari siyang mahulog at masaktan.
-
Nais ng mga nakatatandang kapatid na humawak, makipaglaro, at kilalanin ang sanggol. Ayos lang ito hangga't binabantayan ng nasa hustong gulang.
-
Tawagan kaagad ang tagapangalaga ng kalusugan kung may lagnat ang iyong sanggol (tingnan ang Lagnat at mga bata, sa ibaba)
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad na 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang sa siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang may pag-iingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang kung kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan kung may lagnat ang iyong anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero. Sundin ang kanyang mga tagubilin.
Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak
Para sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
-
Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.
-
Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas
-
Kili-kili: 99°F (37.2°C) o mas mataas
-
Lagnat na ___________ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwit o noo: 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Tainga (ginagamit lamang sa edad na higit sa 6 na buwan): 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Sa ganitong mga kaso:
-
Temperatura sa kili-kili na 103°F (39.4°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Temperatura na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Mga bakuna
Batay sa mga rekomendasyon mula sa CDC, sa pagbisitang ito, maaaring bakunahan ang iyong sanggol laban sa hepatitis B kung hindi pa siya nabakunahan sa ospital. Maaaring bigyan ang iyong sanggol ng bakunang Respiratory Syncytial Virus (RSV) monoclonal antibody. Tinatawag itong nirsevimab. Itanong sa tagapangalaga ng iyong sanggol kung aling mga bakuna ang ipinapayo sa pagbisitang ito.
Pagkapagod ng magulang
Maaaring pisikal at emosyonal na nakakapagod ang pag-aalaga sa bagong silang na sanggol. Sa ngayon, maaaring mukhang wala kang oras para sa anuman. Ngunit makatutulong din sa iyo ang pag-alaga sa iyong sarili upang maalagaan ang iyong sanggol. Narito ang ilang payo:
-
Magpahinga. Kapag natutulog ang iyong sanggol, maglaan ng kaunting oras para sa iyong sarili. Humiga para umidlip o itaas ang iyong paa at magpahinga. Alamin kung kailan magsasabi ng "hindi" sa mga bisita. Hanggang sa makapahinga ka, huwag pansinin ang mga kalat sa bahay at alisin ang mga gawaing hindi mahalaga. Bigyan ng oras ang iyong sarili upang masanay sa iyong bagong tungkulin bilang magulang.
-
Kumain ng masustansya. Nagbibigay ng lakas ang magandang nutrisyon. At kung katatapos mo pa lang manganak, makatutulong ang malusog na pagkain upang makabawi ang iyong katawan. Subukang kumain ng iba't-ibang prutas, gulay, butil, at pinagmumulan ng protina. Lumayo mula sa mga naprosesong "junk" na pagkain. At limitahin ang caffeine, lalo na kung nagpapasuso ka. Manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig.
-
Tumanggap ng tulong. Maaaring nakakapagod ang pag-aalaga sa bagong sanggol. Huwag matakot na humingi ng tulong sa ibang tao. Hayaan ang pamilya at mga kaibigan na tumulong sa gawaing bahay, pagluluto, at paglalaba, upang magkaroon ka at ng iyong asawa ng oras na makasama ang inyong bagong sanggol. Kung kailangan mo pa ng tulong, kausapin ang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iba pang pagpipilian.
Susunod na checkup sa: _______________________________
MGA TALA NG MAGULANG: