Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Biglang Paghinto ng Puso (sudden cardiac arrest)

Kapag biglang huminto ang pagtibok ng puso, tinatawag itong biglang paghinto sa pagtibok ang puso. Kapag ang puso ay hindi tumitibok, hindi ito makakapagbomba ng dugo. Kapag walang dugo, hindi gagana nang tama ang mahahalagang sangkap ng katawan tulad ng utak at mga baga. Nagiging sanhi ng biglang paghinto ng puso ng pagkawala ng malay sa isang tao. Hihinto ang paghinga. Kailangan ng lunas na emergency para muling tumibok ang puso. Kapag hindi kaagad nasimulan ang paglunas, puwedeng mauwi ang biglang paghinto sa pagtibok ng puso sa pagkamatay ng puso.

Ano ang sanhi ng biglang paghinto sa pagtibok ng puso?

Hinati sa gitna na larawan ng puso na ipinapakita ang conduction system.

Nangyayari ang biglang paghinto sa pagtibok ng puso dahil mayroong problema sa elektrikal na sistema ng puso. Kadalasan, dahil ito sa sakit sa puso na humahantong sa hindi regular na tibok ng puso (arrhythmia). Puwedeng maging sanhi ng paghinto ng tibok ng puso ang malalang arrhythmia. Kadalasan, dahil ito sa sakit sa puso na humahantong sa hindi regular na tibok ng puso (arrhythmia). Kasama sa mga bagay na humahantong sa arrhythmia at biglang paghinto sa pagtibok ng puso ang:

  • Baradong malaking ugat na papunta sa kalamnan ng puso (sakit sa puso) na humahantong sa atake sa puso

  • Paghina ng kalamnan ng puso (pagpalya ng puso)

  • Pagkakaroon ng pilat o pagkapal ng kalamnan ng puso

  • Mga pagbaba ng lebel na mga mineral sa dugo

  • Paggamit ng stimulant street drugs gaya ng cocaine at methamphetamine

  • Malalang pinsala sa dibdib

  • Mga sakit sa elektrikal na sistema ng puso tulad ng long Q-T syndrome

  • Mahabang panahon na walang oxygen, tulad ng may nabarahang daanan ng hangin dahil sa pagkabulon o pamumuo ng dugo sa baga (pulmonary embolism)

Biglang paghinto sa pagtibok ng puso, sakit sa puso, at atake sa puso

Hindi katulad ng atake sa puso ang paghinto ng puso. Ang biglang paghinto sa pagtibok ng puso ay isang problema sa elektrikal na sistema ng puso. Ang atake sa puso ay isang problema sa daloy ng dugo sa puso. Pero ang atake sa puso ay puwedeng maging sanhi ng biglang paghinto sa pagtibok ng puso. Ang atake sa puso ay isang problema sa daloy ng dugo sa puso. Ang ganitong problema ay resulta ng kundisyon na tinatawag na sakit sa puso. Kadalasan, dinadala ng mga ugat (artery) ang dugo at oksihino papunta sa kalamnan ng puso. Sa sakit sa puso, may isa o higit pang artery ang kumipot o barado. Kapag ang artery ay lubusang nabarahan, hindi makakakuha ng oksihino ang kalamnan ng puso na kailangan nito. Ang bahaging ito ng kalamnan ng puso ay lubhang mapipinsala o mamamatay. Ang resulta ay atake sa puso. Posible ring maging sanhi ng biglang paghinto ng puso ang pagkamatay ng kalamnan ng puso.

Marami sa mga salik na nagpapataas sa panganib na maatake sa puso ay nagpapatas din sa panganib ng biglang paghinto ng puso. Kabilang sa mga ito ang:

  • Kasaysayan ng pamilya sa sakit sa puso

  • Paninigarilyo

  • Di-malusog na lebel ng kolesterol

  • Mataas na presyon ng dugo

  • Diyabetis

  • Kakulangan sa pisikal na aktibidad

  • Sobrang katabaan

Mga sintomas

Ang ganitong kundisyon ay kadalasang nangyayari nang biglaan, nang walang babala. Sa ilang kaso, maaaring may mga sintomas kang nararamdaman nang ilang linggo na humahantong sa gayong atake sa puso. Maaaring kasama sa mga ito ang pagkalula o pangangapos ng hininga, o pakiramdam na kumukutob ang iyong puso (mga mabilis na pagtibok). Pero ang ganitong mga sintomas ay karaniwan nang pangkalahatan. Malamang balewalain mo ang mga iyon o iisipin na sanhi ito ng ibang bagay.

Kabilang sa mga sintomas sa panahon ng paghinto ng puso ang:

  • Pagkawala ng malay (hindi gumagalaw o nagsasalita)

  • Walang pulso

  • Hindi makahinga o hindi na talaga humihinga

Paggamot

Isang medikal na emergency ang biglang paghinto ng puso. Kailangan ng mabilis na aksyon para maibalik ang ganitong ikamamatay na kundisyon. Cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang pangunahing lunas. Narito ang dapat gawin:

Laging tiyaking ligtas ang lugar na pinangyayarihan.

  • Tapikin o marahang alugin kung makakita ka ng natumbang tao. Sa malakas na tinig, tanungin siya "Ayos ka lang ba?

  • Kapag hindi tumutugon ang tao, sumigaw ng tulong at tumawag kaagad sa 911. Ilagay sa speaker mode ang iyong telepono.

  • Kung may alam kang magagamit na AED (automated external defibrillator) kaagad, kunin kaagad ito. Sinusuri ng AED ang ritmo ng puso at kung kinakailangan, binibigla nang panandalian ang puso.

  • Kung may mga kasama ka, patawagin ang isa sa kanila sa 911 at kumuha ng AED, kung may magagamit. Gamitin agad ang EAD sa sandaling makakuha ka nito.

  • Suriin kung normal ang paghinga at ang pulso. Kung hindi tumutugon ang taong ito at hindi normal ang paghinga, o sumisinghap lang, o walang pulso, kung gayon simulan ang CPR.

Kung hindi ka sinanay sa CPR, o ayaw mong hipan ang bibig, gawin lang ang CPR na mga pagpiga sa dibdib (para sa mga tinedyer o adulto).

Pigain ang dibdib

  • Itihaya ang taong ito sa isang hindi gumagalaw at patag na lugar

  • Puwedeng alisin ang kasuutan.

  • Pigain ang dibdib.

  • Ilagay ang pinakasakong ng palad sa ibaba at kalahating bahagi ng buto sa dibdib. Ilagay ang isa mo pang kamay sa ibabaw ng una mong kamay.

  • Diinan nang malakas at mabilis. Diinan na ang bilis ay 100 hanggang 120 piga kada minuto. Idiin pababa sa dibdib nang hindi bababa sa 2 pulgada ang diin. Inirerekumenda ng American Heart Association ang pagpiga sa saliw ng kanta ng Bee Gees na "Stayin Alive."

  • Hayaang bumalik sa posisyon nito ang dibdib pagkatapos ng bawat pagpiga. Pinangyayari nitong makapaglamang muli ng dugo ang puso.

  • Patuloy na magbigay ng pagpiga ng dibdib hanggang:

    • Nagpapakita ang tao ng mga palatandaan ng paggalaw o paghinga

    • May ibang dumating na makakagawa ng CPR

    • Napagod ka na at hindi makapagpatuloy

    • Naging hindi ligtas ang eksena

    • Dumating ang mga serbisyong medikal na pang-emergency

Saan ako puwedeng makakuha ng training sa CPR?

Kumuha ng CPR class. Puwede kang kumuha ng training class sa CPR online o sa inyong lugar. Para humanap ng klase, makipag-ugnayan sa American Heart Association o 800-AHA-USA-1 (800-242-8721).

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by
Disclaimer